Base sa isang survey na ginawa ng Social Weather Survey (SWS) noong Dec 12-19, 2021, 69% ng mga adult Filipinos ang nagsasabi at naniniwalang seryoso ang problema ng fake news sa media.
Ilang friendly tips para iwas-fake news:
- I-tsek kung credible at reliable ang sources ng info
- ‘Wag gawing source ng mga impormasyon ang social media lalo kung may halong bias ito
- Ugaliing i-crosscheck ang nabasang impormasyon sa ibang trusted news or government websites
- Tingnan mabuti ang date kung kailan na-publish ang info, at kung edited/fabricated ba ang photo or video
- ‘Wag magpadala sa emosyon; think before you react
Dito sa e-Boto, allergic kami sa #fakenews kaya ang misyon namin ay bigyan ang mga Pilipino ng free, unbiased, at verified information tungkol sa mga national at local candidates na tumatakbo ngayong halalan.
'Wag laging go with the flow dahil hindi lahat ng nakikita at nababasa mo online ay tama at totoo. Mas mainam pa rin na go with what you know!