Hindi lang superhero at kili-kili ang may powers! Alam mo na ba kung ano ang roles at kapangyarihan ng mga iboboto mo ngayong #Halalan2022? Testing nga!
Tama o Mali: Pangunahing trabaho ng mga senador ang gumawa ng bills na maaaring maging batas.
Sagot: Tama! Ayon sa Article VII ng 1987 Philippine Constitution, tungkulin ng mga senador na lumikha ng mga bills na pwedeng maging batas. Ang mga senador ay may anim (6) na taong termino simula tanghali ng June 30 at maaaring mahalal ng dalawang (2) magkasunod na termino, maximum.
6 years para gumawa ng batas? Deserve ba nila ang boto mo? Deserve ba nilang umupo sa pwesto? Kung oo, push mo na ‘yan! Kung hindi, chill ka lang. May oras pa para mas kilalanin sila at kumilala ng iba. Oops!