Parang iyong news items, plano pa ito since 2019. Pero sa akin, parang napaka-insensitive na gagawin mo iyan sa height ng pandemic, na ang daming nagugutom. Ang daming naghihirap, gagawin mo iyong pag-beautify. Ang isa sa mga suggestions ko, na iyong mga pinakamahihirap na pamilya, bigyan sana ng parang pantawid-buhay man lang. Ang suggestion ko nga, 5,000 [pesos] to the poorest families habang naka-lockdown pa tayo. Ang sagot nila, walang pera. Parang sa akin, maling mensahe: Nagsasabi kayong walang pera, tapos nakikita iyong ganito.