Ano ba’ng SAY nila sa iba’t ibang mga isyu? (O meron nga ba?) Agree man o disagree, siguruhing ang SAY nila ay may SAYSAY.
Francisco Domagoso
Walang ha-harass sa inyo na pulis. Hindi ninyo kailangan ng permit sa barangay.
(April 2021)
Leodegario De Guzman
Maraming salamat sa @LabanNgMasa at Community Pantry PH, na tumugon sa ating panawagan para sa bayanihan! Ang mga gulay na ito ay binili mula sa mga nasalanta ng bagyo at ipamamahagi sa mga community pantry.
(October 2021)
Ferdinand Marcos
Ang community pantries ay hindi mula sa pamahalaan o sa komunista - ito ay mula sa mga simpleng mamamayang nagmamalasakit sa kapwa, walang kulay ang bayanihan. Walang kulay ang pakikipag-kapwa tao. Ituloy ang mga community pantries nang walang abala. Tandaan lang po natin ang minimum safety protocols habang nasa pila.
Panfilo Lacson
It is good that through community pantries, we see mutual aid by neighbors and barangay residents. But this is also a sign of desperation, that people can no longer rely on the government to help them.
Maria Leonor Robredo
Napakalaking bagay na may community pantry kasi parang sinisiguro mo na walang tao sa community mo na magugutom. Napakagandang proyekto na sana tularan ng marami pa nating mga kababayan.
Emmanuel Pacquiao
There would have been no need for people to line up on community pantries just to get by and get something to eat if the government has an institutionalized and organized system of reducing food wastage through food donation and food waste. it is ironic that while there are millions of Filipinos who are experiencing involuntary hunger, the amount of food that go to waste every day is staggering .