Ako’y sang-ayon ding ituloy ‘yung programa ni Pangulong (Rodrigo) Duterte dito sa railway kasi ‘yan ang isa sa priority na programa ko na talagang paunlarin ang ating sektor ng transportasyon, kinakailangan ‘yung mass transport. Hindi lamang sa Mindanao kundi sa maraming probinsya kinakailangan nating itulak ‘yung transport system,
Yung mga proyekto na hindi naman kailangan pa at Build, Build Build, project na nakabinbin pa o hindi pa nasisimulan, ipihit na lang natin ‘yung budget niyan para roon sa ating kalusugan, sa paglikha ng trabaho at pagpapaunlad ng ating kanayunan dahil ‘yan ang kailangan natin upang para masimulan ang pagbangon ng ating ekonomiya.