In the course nagbago ang kanyang (Sotto) pananaw. Ako gano’n rin, I’m also a convert. Alam niyo ba, napanood niyo ba sa Netflix ‘yong ‘The Life of David Gayle’. Napanood ko ‘yon eh, ‘yon aktibista ‘yon na kung saan sinet-up niya ‘yong sarili niya... Yon ang nakapagpabago ng aking attitude, ng aking pananaw, at ng aking perspective tungkol sa death penalty. Ako nag-author din ako, ilang beses kong infinile, isinama ko pa nga ‘yong plunder at saka ‘yong iba’t-ibang krimen bilang heinous crimes, dapat maging punishable ng death penalty. But then no’ng namulat ‘yong aking kaisipan na mas importante na ma-save ‘yong buhay ng isang inosente na na-convict que sa doon sa mag-execute tayo ng talagang convicted at talagang napatunayang talagang nagkasala. No’ng tinimbang ko ‘yon, sa tingin ko mas matimbang ‘yong ma-save ‘yong buhay ng wrongly convicted.