Ipakita natin ang katotohanan at aking hinihikayat ngayon yung mga aktibistang buhay pa: kumilos tayo, pasukin natin ang puso ng ating mga kabataan, sabihin natin sa kanila: huy magiingat kayo sa paniniwalaan ninyo sa kasalukuyan, eh kayo naman ang nakakaintindi ng fake news na ‘yan. Kayo ang mas nakakintindi niyan. Kailangan malaman ng ating kabataan ang tunay na kasaysayan ng bayan. Kung gusto natin umunlad, kung gusto natin bumuti at umayos ang kinabukasan natin, magsimula tayo sa katotohanan, Tama na ‘yang pagsisinungaling. Lalabanan natin yan.