Candidates'
Stand On Issues

Ano ba’ng SAY nila sa iba’t ibang mga isyu? (O meron nga ba?) Agree man o disagree, siguruhing ang SAY nila ay may SAYSAY.

Agree

Agree

Emmanuel Pacquiao

Hindi nga ako nakabili ng karne ng baboy o baka dahil talagang hanggang manok lang, isdang tilapia at galunggong ang ating nabili. Volume na nga ang ginawa ko pero hindi talaga sapat para sa isang buwan. Paano pa kaya iyong mahihirap nating kababayan na kung mamili ay tingi-tingi lang


(February 2022)

Leodegario De Guzman

Sa bawat araw na lumilipas na ginugugol sa pagrerebyu, imbes na sa agarang pagtataas sa sweldo ay kamakaunti ang pantustos ng mga manggagawa para sa kanilang mga pamilya, kaya’t ang minimum wage review ay dapat tapusin agad ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) para sa lahat ng rehiyon sa buong kapuluuan


(March 2022)

Jose Montemayor

I am for wage increase but I am not for too much wage increase, para patayin ang business ng ating mga kababayan na dating workers din naman...Dapat balansehin natin dahil Pilipino rin naman ‘yung may-ari ng maliliit na kumpanya. Itaas natin pero hindi yung napakataas na sinasabi niya, which is not realistic.


(March 2022)

Panfilo Lacson

Napaka-timely ang panawagan ni Secretary Bello na mag-meet ang tripartite wage board para pag-usapan kung kailangan na bang i-adjust ang minimum wage ng ating mga kababayan. So dapat talaga pag-usapan natin kung dapat i-adjust ang ating minimum wage


(March 2022)

Disagree

Disagree

Neutral

Neutral

Maria Leonor Robredo

There is a need to assess [the minimum wage]. Marami 'yung humihingi ng pagtaas ng minimum wage...binabasa ko 'yung mga opinyon ng mga economists na ang sinasabi nila 'yung minimum wage ngayon actually, 'yung actual value niya mas mababa sa kung ano talaga 'yung wages ngayon dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


(March 2022)

Ferdinand Marcos

Alam natin ang pangangailangan ng sektor ng paggawa na kailangan ding taasan ang sahod pero dahil nga hindi pa tayo nakakabangon mula sa pandemya ay siguraduhin muna nating pasiglahin ang kalakalan...Tiyakin muna natin ang pagbubukas ng mga kumpanya at ang pagbabalik sa trabaho ng ating mga kababayan. Mula sa ganung konsepto ay titiyakin natin ang kaluwagan at pagbibigay ng maaaring mga benepisyo sa ating mga manggagawa.


(March 2022)

No Statement

No Statement

Agree

Agree

Neutral

Neutral

Disagree

Disagree

Does not acknowledge

Does Not Acknowledge