Running for President
Pindutin ang mga numero para sa iba’t ibang impormasyon.
Pinangarap ni Manny Pacquiao na maging paring katoliko noong kanyang kabataan. Subalit, dahil sa kahirapan ay hindi nya naituloy ang pangarap na ito kaya sya nagtuon ng atensyon sa boxing.
Tumigil sa pagaaral si Manny Pacquiao sa murang edad na 14 anyos upang lumipat ng Maynila at magtrabaho bilang construction worker habang nagsusumikap sa mundo ng boxing.
Sa kauna-unahang privilege speech ni Pacquiao bilang senador, sinabi nitong "God allows governments to use capital punishment" at kahit si Hesukristo rin daw ay nahatulan ng kamatayan.
Umaabot sa tumataginting na $1.25 billion ang buong kita ng 24 pay-per-view fights ni Manny Pacquiao sa kanyang karera bilang isang boksingero.
Isa si Manny Pacquiao sa mga senador na nagpatalsik kay Sen. Leila De Lima bilang justice committee chairperson ng Senado.
Dati nang ipinagtanggol ni Manny Pacquiao ang "war on drugs" ni Pangulong Duterte sa kabila ng mga alegasyon ng extrajudicial killings. Ayon kay Pacquiao, drug lords na raw, hindi mga pulis, ang responsable sa mga pagpatay.
Pinanganak si Manny Pacquiao sa isang Katolikong pamilya bago ito maging born-again Christian.
Aabot sa 25 na batas ang naipasa kung saan kasama si Manny Pacquiao sa mga may akda mula taong 2010 hanggang 2016. Kabilang rito ang pagtataas ng pensyon ng mga senior veterans, Handbook for OFWs Act of 2018, at Free Internet Access Program.
Ang e-Boto ay protektado ng isang built-in mitigation o screening system. Kung may mapansin kaming kahina-hinalang patterns ng pandaraya gaya ng invalid emails or biglaang pagtaas ng mga komento o kontribusyon mula sa isang IP, location, device, atbp., awtomatiko namin itong iba-block mula sa website. Kaya kung may balak kang mang-troll, 'wag mo nang ituloy.
Emmanuel "Manny" Pacquiao will be added as President on your sample ballot.